多言語ブローシャー フィリピン語 / Filipino

Filipino

Unibersidad ng Araling-Pandaigdig ng Tokyo

Nagsimula ang Philippine Studies Program sa TUFS noong 1992 at sa kasakulukuyan, may mga 70 estudyante rito. Sa mga 70 estudyante, 40 ay nasa ilalim ng bagong sistema na sinimu-Ian noong 2012; 20 sa School of Language and Cultures at 20 sa School of International and Area Studies. Taun-taon, mga 10 estudyante ng Phlippine Studies Program ang nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) bilang exchange student. N agsimula ang student exchange program sa UP noong 1998. Bukod sa pag-aaral sa Pilipinas bilang exchange student, may mga estudyante ring pumasok sa graduate school sa iba't ibang bansa tulad ng Singapore, Amerika, England at Netherlands. Aktibo ang mga gradu-ate ng Philippine Studies Program sa iba-ibang larangan, katulad ng international organizations (UNESCO, UN Habitat), Ministry of Foreign Affairs, mass media (NHK, Asahi TV) at JR East.


 

Ano ang TUFS?

1. Isang pandaigdig na sentro para sa pagtuturo at reserts ng mga wika

Mga 50 wika ang itinuturo sa regular na kurikulum ng unibersidad, at ilan pa ang nirereserts dito. Ang mga wika sa Asya ang bumubuo sa kalahati ng mga wikang itinuturo at ang ilan ay itinuturo lamang sa TUFS sa Japan.

2. Isang pandaigdig na sentro para sa bagong pag-aaral ng pakikipag-ugnayan ng iba't ibang kultura at disiplina

Mga gawamg pang-edukasyon at pangreserts na sumasakop sa halos lahat ng mga rehiyon sa mundo ang isinasagawa ng mga espesyalista sa humanities at social sciences.

3. Isang pandaigdig na sentro para sa pagtuturo ng wikang Hapon

Bilang isang pandaigdig na sentro para sa pagtuturo ng wikang Hapon, para sa pag-aaral ng pagtuturo ng wikang Hapon at para sa pagsasanay ng mga magtuturo ng wikang Hapon, gumaganap ang TUFS bilang tagapayo sa mga institusyong nagtuturo ng wikang Hapon sa Japan at sa ibang bansa.


Kasaysayan ng TUFS

Ang Unibersidad ng Araling-Pandaigdig ng Tokyo ang pinakamatandang institusyon sa Japan na itmalaga para sa ataling pandaigdig. Nagsimula ito bilang Bansho Shirabesho (Instityut para sa Reserts ng mga Dokumentong Banyaga), isang kawanihan ng pamahalaang nagsasalin ng mga dokumento, na itinatag noong 1856.
Itinatag ito bilang isang independent na institusyon para sa pagtuturo at reserts, at pinangalanang Tokyo Gazkokugo Gakko (Eskuwelahang Pangwikang Banyaga ng Tokyo) noong 1899. Noong 1999, nagdiwang ng ika-100ng anibersaryo ng pagkakatatag ang unibersidad.
Noong 2000, lumipat sa kasalukuyang kampus ang unibresidad, kung saan nag-aaral ang mga estudyante sa isang modemo at makabagong kapaligiran. Nasa Fuchu City ang campus ng unibersidad. Para sa undergraduate program, may 2 school: School of Language and Culture Studies at ang School of International and Area Studies. Para sa graduate program naman, mayroong Graduate School of Global Studies. Bukod sa mga ito, may Research Institute for Languages and Cultures of Asia and Africa(ILCAA), at Japanese Language Center for International Students sa campus. Taun-taon, 370 estudyante ang nag-e"en-roll" sa School of Language and Cultural Studies, samantalang 375 estudyante ang nag-e- "enroll" sa School of International and Area Studies. Taun-ta-on din, may 148 estudyante ang nag-e-"enroll" sa MA program, at 40 sa PhD. Program.


PAGE TOP